Miyerkules, Oktubre 12, 2016


Global Warming (Climate change)



 Ang pag-iinit ng daigdig ay tumutukoy sa nararanasang pagtaas ng katamtamang temperatura.Sinasabing ang pagtaas ng pandaigdigang temperatura ay magdudulot ng malaking pagbabago kasama na rito ang pagtaas ng karaniwang taas ng dagat at pagbabago sa dami ng pagulan. Ang mga pagbabagong ito ay sinasabing magpaparami ng dlas at lakas ng mga mapanirang kalagatan ng panahon tulad ng pagbaha, tagtuyot, bugso ng init heat waves, bagyo at buwan, Sinasabing ang pag-init ay makaaapekto sa bilang at tindi ng mga ito, mahirap na iakibat ito sa particular na kalagayan ng panahon sa pag-init ng mundo.

Ang climate change ay ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg greenhouse gases na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa.






Gayundin walang katiyakan ang nakapalibot rito kung gaanong kalaking pagbabago sa panahon ang 
makikita sa darating na araw. May mainit na debateng pampolitiko kung paano mapapababa o mababaliktad ang pag-init sa darating na panahon at kung papaano haharapin ang mga bunga nito.


Gender Equality


Ang pagkakapantay - pantay ng mga kasarian ay nangangahulugan na ang mga kalalakihan at kababaihan ay may parehong mga karapatan at pananagutan, ang lahat ay may magkkatulad na pagkakataon sa lipunan ang pagkakapantay-pantay ng kasarian ay tungkol din sa pakikibahagi sa mga tungkulin, kapwa sa pamilya at sa lipunan kung nahahadlangan tayo ng kasarian na makita ang kahusaya at kahinaan ng isang individual, ito'y maaring mauwi sa discriminasyon at limitadong pagkakataon para sa indibidwal.




Nararapat na maging masaya at makuntento sa kasarian na mayroon tayo, dahil yan ang ipinagkaloob ng ating panginoong  Diyos. Kaya buong loob nating tanggapin ito. at dapat timbangin lang lagi ang mundo ng dalawang kasarian lamang para dina magkaroon ng kahit anumang usap- usapang nakakagulo sa isipan ng ibang tao.







Education




Ang Edukasyon ang pinakamahalagang pamana ng ating mga magulang. Lahat ng bagay sa mundo ay lumilipas, pero ang karunungan kailan man ay hindi kukupas dahil edukasyon lamang ang natatanging bagay na hindi maa-agaw ninuman.Hindi sapat na nakapagtapos ka lnag kasi para sakin kailangan baunin rin natin ang ating mga natutunan sa loob na paaralan.






Sa panahon ngayon may mga taong nakakapag-aral nga, ngunit wala namang mabuting asal ung tipong nakapagtapos ng magandang kurso, ngunit di naman umaakto ng maayos ayon sa kanilang pinag-aralan at may mga iba na ang lapit na nga ng paaralan e tinatamad pa pumasok sa paaralan.Kaya sana wag nating kalimutan na mayroon din sa paligid natin na nagsusumikap mag-aral kahit na malyo man ang destinasyon ng eskwelahan ay nagsusumikap para makaoagtapos.at nararapat na tayo'y magsumikap sa ating pag-aaral upang maabot natin ang ating minimithing pangarap.





Political Dynasty


Ang political dynasty ay isang pamilya ng mga politiko na namamahala sa isang lugar at naipapasa sa kanilang kapamilya ang katungkulang ginampanan sa pamahalaan at kaya nananatili ang kanilang kapangyarihan at impluwensya ay dahil sa mga kayamanan,edukasyon,kahusayan at kanilang mga katanyagan. at meron ding dahilan kung bakit nanatili ang Political dynasty, dahilan sa kakulanagn sa mapanuring pag-iisip at limitadong pagkakataong makakalap ng impormasyon at epekto ng political dynasty sa pamahalaan.



Nakakasama ito sa pag-unlad ang mga political dynasty dahil napapahina nito ang sistema ng checks and balances ng pamahalaan at napapanatili sa isang pangakat lamang ang impluwensya, kapangayarihan at naisusulong ang pansariling interest lamang ng mga makapangyarihan. Nagiging ugat din ng pang-aabuso at pagmamalabis ng mga namumuno.
Paanong magkakaroon ng tunay na serbisyong bayan o katarungang panlipunan kung ang nakaupo sa poder ay mga magkaka-mag-anak? Sa ganitong kaayusan, imbes na magkaroon ng serbisyong bayan ay serbisyong pampamilya ang nangingibabaw. Tanging interes ng pamilyang dominante ang mau-una bago interes ng bayan. Iyan ang dahilan kung bakit napakasama at nakapipigil sa pag-unlad ang ganitong siste.



Human Rights



So bakit nga ba kailangan nating malaman ang tungkulin sa alintuntunin, dahil lahat tayo ay may mga karapatan at mga responsibilidad upang tayo'y makasiguro na ang lahat ba ay tinatrato nang pantay-pantay at walang discriminasyon.



Kaya ang mga nararapat na matanggap ng mga tao ay karapatang mamuhay ng malaya at may kalayaan sa pagsasalita at pagkapantay-pantay sa harap ng batas at panlipunan, pangkabuhayanng karapatan, karapatan din anting mamili kung anong guto nating bilhin sa mga pamilihan at karapatang makapag-aral, mag-aral upang maabot ang minimithing pangarap sa buhay. at karamihan sa atin ay mangagailangan magbigay o makatanggap ng pangagalaga at kakailanganin natin upang matugunan ang ating mga karapatan sa katayuan ng pamilya.


Millenium Development Goals 

Ano nga ba ang dahilan ng pagkakaroon ng malnutrisyon at labis na paghihirap sa bansa. Sa mga kadahilanan nito kung bakit lalong naghihirap ay dahil sa masyadong pagtaas ng mga presyo sa mga pamilihan. Pero marami namang puwedeng maisagawa para maiwasan o mabawasan ang malnutrisyon. Dapat gamitin ang mga hakbang na napagkasunduan ng mga eksperto ayon narin sa High level conference on world food security, kaya mayroong 8 goals na sna masulusyunan ang matinding kahirapan at malnutrisyon ay mapipigilan naman e, kailangan lamang talaga sa bawat isa sa atin na magkaroon ng magandang paguugali at disiplina sa sarili at dapat marunong din tayong sumunod sa ating pangulo.



Sustainable Development Goals

Ang SDG ay mas marame kaysa sa MDG's. Mas maraming detalye ang mga goals na naitala dito. Sa tingin lo mas magkakaroon ng direksyon ang ating bansa ukol sa pagdedevelop ng mga paraan upang magawa at makamit ang mga goals na ito. Hindi natin tuluyang maprepredict kung kailan talaga natin masasabe na gawa na natin ang mga goals na nabanggit pero ang mahalaga ay gumawa tayo ng paraan. Sama-sama at tulong-tulong, kailangan nating maging issa para sa ikauunlad.

Bilang ang ating pagiging isa ay nagsisimula sa pagkakaroon ng kaalaman, sana sa susunod na magkukwento ka sa kaibigan mo SDGs naman ang topic niyo. ag-usapan niyo kung gano katagal bago maabot ng Pilipinas ang quota sa goals na ito pero pag-usapan niyo din kung ano ang magagawa ninyo para magawa at matapos ang mga adhikaing nagimithi ng sustainable development.


Eco-Tourism

Ito ay isang anyo na kinasasangkutan ng pagbibisita kung saan man natin gustuhin. So ang layunin nito ay upang turuan ang mga mamamayan o biyahero upang magbigay ng pondo para sa ekolohiya konserbasyon, at upang direkta na makinabang ang pagpapaunlad ng ekonomiya.at ang mahalagang bahagi nito is ang pag-promote nila ng recycling, enerhiya, kahusayan, tubig konserbasyon at paglikha nila ng mga pang ekonomiyang mga pagkakataon na para sa lokal na komunidad at nasasabing ang Eco-tourism ay madalas appeals sa nagtataguyod ng pangkapaligiran at panlipunang responsibilidada.





Freedom of Information

Kung maipasa nga ang FOI matutukoy na natin kung ano ba talaga ang isinasagawa ng mga opisyal sa gobyerno at paano ginagamit ang pera ng bayan at kung saan ba eto napupunta. Sana gamitin naman ng wasto at sa mabuting paraan gamitin hindi kung saan napupunta at para makasigurado din tayo na may magandang pamumuhay ang mga mamamayan sa bansa.


Nagbibigay naman ng liwanag ang mga sinasabi ni winning presidential candidate Davao City mayor Rodrigo Duterte na agad-agad niyang isusulong ang FOI Bill na maaprubahan sa sandaling maproklama siya. Ito ay bilang pagtupad sa naipangako niya na ang lahat nang dokumento ng gobyerno ay dapat makita ng taumbayan para sa transparency. Nagpahiwatig si Duterte na baka hindi na siya makapaghintay sa legislation at aprubahan ito bilang executive order.



Hinikayat ni Duterte ang media na maging vigilant at ibunyag ang mga anomalya at kuwestiyunableng transaksiyon sa gobyerno. Sabi pa rin niya hindi raw dapat matakot ang local government officials na ipakita ang mga dokumento sa mamamayan kung wala naman silang tinatago.